HINDI lang basta pinagnakawan at pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang empleyado ng Department of Public Works and Highways sa Sta Mesa., Maynila noong Huwebes ng madaling-araw kundi hinalay pa ito.
May edad na ang biktima para pagsamantalahan pa ng suspek na hindi puwedeng sabihing nasa normal na pag-iisip. Sasala ang sandok sa palayok subalit hindi ang hinala na adik ito o nasa impluwensya ng droga ang gumawa ng krimen.
Lalong hindi puwedeng sabihing matino ang gumawa ng kawalanghiyaan na bukod sa panghahalay ay sinakal, hinataw sa ulo bago inihulog pa sa hagdan ang biktima mula sa ikatlong palapag kung saan naroon ang kanyang kuwarto.
Malaki ang posibilidad na kilala ng biktima ang suspek kaya pinaslang ito. Wallet lang ang nawalang gamit ng biktima bagama’t nasa kuwarto lang nito ang kanyang bag.
Nakapagtataka lang na nasabi ng mga kapitbahay na narinig nilang may kausap ang biktima bago naganap ang panghahalay at pamamaslang gayong nasa ikatlong palapag ang kuwarto nito samantalang hindi narinig ng kanyang pamangking nasa ikalawang palapag lang.
Kung narinig ng mga kapitbahay na may kausap ang biktima sa kanyang kuwarto at walang nakitang “forcible entry” ang mga imbestigador, may posibilidad na kilala rin ito ng pamangkin ng biktima.
Hindi kaya natatakot ito na baka siya naman ang balingan ng suspek?
Dapat, kumilos ang mga miyembro ng Manila Police District – Sta. Mesa Station upang malutas ang kasong ito at hindi iasa lang sa MPD-Homicide Section. Hindi na kailangang hintayin pa ni Supt. Fernando Opelanio, Sta. Mesa Police station commander, na masundan pa ito ng panibagong krimen bago kumilos at sugpuin ang patayan at pagkalat ng droga sa kanyang nasasakupan.
Para sa kaalaman ng mga mamamayan, wala nang station anti-illegal drugs (SAID) ang police stations sa Metro Manila at pawang nasa district na lang ang mga ito na hindi naman kayang sugpuin o hulihin ang mga paparaming drug pusher at addict dahil sa limitadong tauhan at resources.
Sa Maynila, mas magandang pagtuunan ng pansin ng konseho kung paano makagagawa ng resolusyon na magpapalakas ng pakikipaglaban ng pulis at mamamayan sa droga. Kailangang matulungan ang pulisya na makagawa ng hakbang laban sa salot na ito.
The post DRUG ADDICT ANG PUMASLANG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment