Sunday, April 6, 2014

DISIPLINA AT PAGKAKAISA

ang-inyong-lingkod-hilda-ong23 ANG Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay isa sa mga sangay ng pamahalaan na mahalaga ang ginagampanan sa ating bansa. Ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng Kalihim nito na si Ramon JP Paje.


Ang DENR, ang siyang gumagawa ng mga batas na nauukol sa ating kalikasan, tulad nang ating kapaligiran, kabundukan, wildlife, katubigan na sumasakop sa buong kapuluan.


Katuwang ng DENR sa pagpapatupad sa mga batas na nalikha ay ang LGUs at barangay patungo sa ating mga mamamayan, na dapat sumunod sa mga tuntunin na isasagawa.


Disiplina ang unang-una na dapat taglayin ng mga tagasunod na mamamayan. Kailangan magsimula ang disiplina sa tahanan patungo sa komunidad na ating ginagalawan upang makatulong sa pagpreserba ng kalikasan, tulad ng, tamang pagtatapon ng basura, paglilinis sa kapaligiran at pagpapanatili ng kaayusan sa mga bagay-bagay sa tahanan upang malayo sa pagkakasakit ang buong pamilya.


Kailangan ng pagkakaroon ng wastong pag–uugali, pagkakaisa at isaisip ang programang 3Rs – Reduce, Re-use, Recycle at marahil tama lang na idagdag natin ang recover, para sa tuluyang pagsasaayos at pagpapalaganap ng lunas.


Kung aalisin ng bawat isa sa atin ang katigasan ng ulo at kawalan ng disiplina sa paraan ng pagtatapon ng basura at kung may malasakit sa kapaligiran ay siguradong maitutuwid nating lahat ang dapat gawin ng bawat isa.


Ang kalusugan ay mahalaga, at kailangan nating pag-ukulan ng pansin. Lahat tayo ay may karapatang mamuhay nang malinis ang paligid. Nang sa ganoon ay magkaroon ng malusog na buhay at pamilya.


Ang ating bansa ay kilala sa buong daigdig, dahil sa kanyang kagandahan at yaman ng kalikasan, kaya tinagurian itong “Pearl of the Orient Seas.”


Ang lahat ng nabanggit ay siguradong matatamo nating lahat sa tulong at awa ng poong lumikha, kung tayo ay magkakaisa at magtutulungan.


The post DISIPLINA AT PAGKAKAISA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DISIPLINA AT PAGKAKAISA


No comments:

Post a Comment