ANIM na power plant sa Luzon at Visayas ang nakaambang magpatupad ng scheduled shutdown at forced outage ngayong Abril.
Ito’y sa harap ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa dahil sa panahon ng tag-init bukod sa manipis na suplay ng kuryente sa Mindanao maging sa Luzon at Visayas.
Posible namang lumala pa ang problema sa kakulangan ng kuryente sa mga susunod na linggo lalo’t inaasahang tataas pa ang demand dito pagtuntong ng Mayo.
Kaugnay nito, nauna nang ipinanukala ng Department of Energy (DoE) sa mga mall at malalaking pabrika ang Interruptible Load Program o ang paggamit ng mga generator sa mga lugar na kaunti ang suplay ng kuryente katulad ng Cebu at Mindanao.
Ito’y upang para maibsan ang pangangailangan ng kuryenteng galing sa power suppliers.
The post 6 power plant sa Luzon, isa-shutdown ngayong buwan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment