PINAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na mag-ingat laban sa rabies kasunod nang pagsapit ng panahon ng tag-init.
Ayon sa DoH, ang pagtaas ng kaso ng rabies ay nagaganap sa panahon ng tag-init dahil iritable umano ang mga aso at may posibilidad na mangagat.
Payo pa ng DOH, dapat tiyaking nabakunahan ang mga alagang aso at huwag payagan ang mga ito na magpagala-gala.
Maging ang mga magulang ay pinayuhan ring bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaang magpakalat-kalat ang mga ito sa kalsada, kung saan maaaring makatagpo ng mga asong gala.
Sakali naman umanong makagat ng aso ay dapat na dalhin kaagad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan upang malunasan.
The post Publiko pinag-iingat sa rabies appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment