WALANG saplot pang-ibaba, may dugo sa bibig at may mga sugat sa leeg, mukha at braso na indikasyon na nanlaban ang isang 12-anyos na paslit na hinihinalang ginahasa ng kanilang kapitbahay sa Tondo, Maynila.
Kinilala ni ang biktima na si Josephine Dealagdon, ng Building 30, Unit 29, Aroma, Temporary Housing, Tondo, Maynila.
Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala sa pangalang Evert Espanillo, alyas Berto, 29, truck helper ng Sta. Monica Trucking at nakatira sa Unit 12 ng nasabing lugar.
Sa report ng pulisya, nakitang wala ng buhay ang biktima alas-3:00 kahapon sa loob ng inuupahang unit ng suspek.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Marso 30, alas-7:00 ng gabi nang utusan ito ng kanyang nanay na bumili ng tubig sa tindahan subalit mula noon ay hindi na ito nakauwi pa.
Isang Jerie Mae na kaibigan ng biktima naman ang nakadiskubre sa katawan ng biktima sa loob ng bahay ng suspek kung saan may mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, at wala nang saplot pang-ibaba bukod pa sa may lumabas na dugo sa bibig nito, indikasyon na pinahirapan habang ginagahasa.
Nakabalot din umano ng kurtina ang biktima at nakatago sa ilalim ng kama na gawa sa kahoy.
Agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente para maimbestigahan.
Dinala sa Nathan Funeral ang labi ng biktima para sa autopsy examination.
The post 12-anyos, walang-awang ginahasa at pinatay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment