Tuesday, March 3, 2015

Victory Liner bus sumisid sa bangin sa Benguet, 20 sugatan

SUGATAN ang 20 pasahero makaraang mahulog sa bangin ang isang bus ng Victory Liner sa bahagi ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet.


Ayon kay Tuba Police chief William Willi, may lalim na 10 metro ang bangin na hinulugan ng bus, habang lulan ang 44 na pasaherong mula Pasay at paakyat sanang Baguio City alas-3:45 ng madaling-araw.


Nasa 20 sa mga pasahero ang isinugod sa Baguio General Hospital dahil sa mga tinamong minor injuries.


Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Victory Liner bus sumisid sa bangin sa Benguet, 20 sugatan


No comments:

Post a Comment