Tuesday, March 3, 2015

Umaga, mas hahaba kaysa sa gabi – PAGASA

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging mahaba na ang umaga kaysa gabi matapos ang vernal equinox, na magaganap sa March 21.


Sinabi ng PAGASA na ang araw ay aabot na sa vernal equinox ganap na 6:45 a.m. sa March 21, hudyat ng pagsisimula ng spring sa Northern hemisphere at autumn sa southern hemisphere.


Sa araw ng equinox, ang gabi at araw ay magkasinghaba sa lahat ng lokasyon ng mundo ayon sa PAGASA.


Ang salitang equinox ay mula sa latin word “aequus,” na ang ibig-sabihi’y equal, at ang “nox,” ay gabi.


Ayon sa PAGASA matapos ang vernal equinox, mas mahaba na ang umaga sa gabi. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Umaga, mas hahaba kaysa sa gabi – PAGASA


No comments:

Post a Comment