Saturday, March 28, 2015

URBANISASYON UNA SA LAHAT

DARATING na muli ang pambansang eleksyon, presidential down to sangguniang pambayan at iba pa. Ngayon pa lang ay nakikita na natin ang pagtaas ng antas ng pamumulitika ng mga politiko. Una na riyan ang wasakan ng kani-kanilang kalaban.


VP Jejomar Binay kontra kina Mar Roxas, Manny Villar, Bongbong Marcos at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Lahat sila ay may kakayahang tumakbo dahil sobra-sobra ang pondo nila para sa kampanya. Maliban lang kay Mayor Duterte!


Sa ngayon ay maraming grupo ang nananawagan ng pagbabago ng buong sistemang panlipunan, lalo na ang pampulitika. Mangyayari lamang ito kung magkakasundo ang lahat na lider-politiko. Papayag ba ang marami na mula sa dalawang sangay ng Kongreso ay pag-isahin sa sistemang Parliamento?


Anoman ang mukha ng ating politika hanggang sa 2016, kailangan ang isang lider na may totoong programa para sa bayan at mamamayan, lalo na sa usapin ng kaayusan ng pamayanan at kapaligiran. Ito ang URBANISASYON.


Noon ay kinainggitan tayo ng maraming bansa dahil sa maayos at malinis na mga pamayanan. Mula sa lungsod, bayan, lalawigan hanggang sa pinakamaliit na barangay.

Ngayon, tayo ang nangunguna sa pinakamarumi, pinakamabaho, pinakamasikip at magulong paligid.


Dala ito ng paglobo ng pinabangong tawag sa mga ISKUWATER, maralitang tagalungsod!

Dahilan ba ang modernisasyon? Paglobo ng populasyon? Pagiging progresibo o KORAPSYON? Ano kayo?


Hindi kailanman tayo galit sa mga taga-iskwater o mismong lugar ng iskwater. Ang sa atin, nag-iskwat na rin lang, sana ay inayos na nila ang kanilang mga lugar na sinakop. ‘Yun bang anomang oras kapag may nangyari katulad ng sunog ay madaling pasukin ng mga trak ng bumbero. O may emergency na dadalhin sa ospital.


Mismong ang mga dati ay maluluwag na kalsada na daanan ng sasakyan, ginawa na itong terminal ng jeep, FX, tricycle at marami pang uri ng pampublikong sasakyan. Ganyan din sa mga palengke na animo ay talipapa na lang o tiangge ng bahala na.


Ang mga pangunahing lansangan na daluyan ng mga motorista ay posturang parking lot dahil sa bagal ng usad ng mga sasakyan. Kailan maitatama ang lahat?


Isang paghamon sa lahat ng politiko ito, pambansa man o panlokal. URBANISASYON ang dapat maging pangunahing tanaw ninyo sa serbisyo kung kayo ay mauupo. URBANISASYON hindi lang sa mga lansangan at sentro ng kabuhayan kundi sa bawat sulok na bansa.


Bata pa ako, ang paggawa ng kalsada sa bawat sulok ng bayan, kalsadang agrikultural at patubig. Aba, paglabas lang ng Metro Manila, bako-bako, putikan o mala-buwan ang mga daanan? URBANISASYON! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



URBANISASYON UNA SA LAHAT


No comments:

Post a Comment