Saturday, March 28, 2015

SUNOD-SUNOD NA GASTOS SA GRADUATION SA TRIA HIGH

SIMULA raw nang naging prinsipal uli ng Emiliano Tria Memorial National High School sa Gahak, Kawit, Cavite si Gng. Elisa Hernandez ay naglabasan na raw ang katakot-takot na bayarin ng mga mag-aaral sa nasabing eskwelahan.


Basahin natin ang reklamo ng isang magulang.


Gud day , Mr. De Sabog, Nais ko lang humingi ng tulong sa inyo para mapaalis na sa aming paaralan ang prinsipal na si Gng. Elisa Hernandez. June 2014 lamang siya dumating sa Emiliano Tria Memorial National High, July 2014 ay naglabasan ang mga babayaran ng mga mag-aaral.


Ang matindi,’yung pa-concert ticket na P100 at acquaintance party na P30 sa bawat bata ay dapat may ticket pero inireklamo ito hanggang sa masuspinde ang prinsipal na ito.


Subalit nang makabalik siya ay dumale na naman ng collection ng graduation fee na P450.


Pero sa araw ng graduation ay walang maupuan ang maraming magulang dahil wala raw binayaran ang mga ga-graduate at ‘yun daw binayarang P450 ay sa toga ang P55, graduation picture at year book doc stamp.


Ang masaklap ay humingi rin sila ng donation kaya nagbayad ako ng total na P500 at napag-alaman ko na may budget ang DepEd para sa graduating students.


BOOKIES NI ACEBO PARANG SEBO


Namamayagpag pa rin at buong tapang na ino-operate ni Jerry Acebo ng Ibaan, Batangas ang ‘di matinag na bookies ng Small Town Lottery (STL) sa Ibaan.


Alam n’yo ba kung bakit ‘di magiba-giba ang bookies empire nito sa lugar?


Ang balita kasi, kaibigang matalik ni Jerry Acebo si Ibaan Mayor Juan Toreja. Kaya kahit ilang beses mong banatan si Acebo ay kukunsintihin lang siya ni Mayor Toreja.


Ganyan katindi ang kapit ng sebo ni Acebo kay Mayor Juan Toreja.


***

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



SUNOD-SUNOD NA GASTOS SA GRADUATION SA TRIA HIGH


No comments:

Post a Comment