Tuesday, March 3, 2015

Sen. Revilla, pinayagan nang madalaw si Jolo

LAKING pasasalamat ni Sen. Bong Revilla nang pahintulutan ng Sandiganbayan 1st Division na mabisita ang kanyang anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla.


Batay sa kautusang nilagdaan ni Justice Efren dela Cruz, maaaring umalis ang senador sa PNP Custodial Center simula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.


Limitado naman sa Asian Hospital sa Muntinlupa City ang maaari niyang puntahan. Bantay-sarado rin siya ng mga awtoridad sa buong panahon ng kanyang paglabas.


Matatandaang aksidenteng nabaril ni Jolo ang kanyang dibdib noong Sabado ng umaga habang nililinis ang kanyang baril.


Pero sa hiwalay na impormasyon, dumaranas umano ng depresyon ang actor-politician bago nangyari ang pagkakabaril nito sa sarili.


Kasalukuyang nakakulong si Sen. Bong sa PNP detention facility dahil sa mga kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sen. Revilla, pinayagan nang madalaw si Jolo


No comments:

Post a Comment