Tuesday, March 3, 2015

Bomb factory ng BIFF sa Mamasapano, nakubkob ng militar

NAKUBKOB na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang pagawaan ng improvised bombs, matapos lusubin ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano.


Ayon kay Colonel Melquiades Feliciano, kumander ng 601st Infantry Brigade, hawak ng BIFF leader na si Mohammad Tambako ang naturang kampo sa Bgy. Dasikil kung saan nadiskubre ang bomb factory.


Kabilang sa narekober ng militar ang mortar fuses, ammonium nitrate, blasting caps at tie wires.


Kinakanlong umano ng BIFF ang teroristang si Basit Usman, isang notoryus na bombmaker na unang nakatakas sa madugong operasyon ng pulisya sa Bgy. Tukanalipao na ikinamatay ng 44 na Special Action Force. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bomb factory ng BIFF sa Mamasapano, nakubkob ng militar


No comments:

Post a Comment