Tuesday, March 3, 2015

Rider, itinumba sa droga

BOLINAO, PANGASINAN – Isang lalaki na umano’y nasa “drug watch list” ang namatay matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa bayan ng Bolinao sa nasabing lalawigan.


Ang biktima’y nakilalang si Richael Obra, ng nasabing bayan na hinarang habang sakay ng kanyang motor pauwi sa Bgy. Patar.


“Yun nga po, hindi naka-resbak itong victim natin kahit may sarili siyang baril kasi on-the-spot na inabangan talaga,” ani Bolinao police commander Chief Insp. Marcos Anod.


Ayon kay Anod, mabagal ang takbo ng biktima dahil sa lubak-lubak na daan.


Sinabi ng Bolinao police na maaaring may kinalaman sa droga ang pagpatay kay Obra dahil nasa watch list ito at may nakitang pang shabu sa biktima. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Rider, itinumba sa droga


No comments:

Post a Comment