PITONG Pinoy ang napabilang sa top 500 ng ‘World’s Billionaires’ ng Forbes magazine ngayong taon.
Nanguna sa pito ang nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas na si Henry Sy na may $14.2-bilyong net worth.
Tumaas pa ang net worth ng 90-anyos na Pinoy billionaire mula sa $12.7B net worth nito noong nakaraang taon.
Pasok si Sy sa ika-73 puwesto habang anim pang Pinoy ang pasok sa top 500 ng listahan kabilang si John Gokongwei, Jr. (254) na may $5.8B, pang-291 naman si Enrique Razon, Jr. na may $5.2B, pang-330 si Andrew Tan na may $4.8B, pang-369 si Lucio Tan na may $4.4B, pang-369 si George Ty na may $4.4 B, at pang-405 naman si David Consunji na may $4.1B.
Pasok naman sa kabuuang 1,826 billionaires sina Tony Tan Caktiong na may – $2.7B (690), Lucio atd Susan Co – $2.3B (810), Robert Coyiuto, Jr. – $1.8B (1054), at si Manuel Villar – $1.6B (1190).
Sa ika-16 na pagkakataon naman, muling idineklara ng Forbes si Bill Gates bilang pinakamayamang tao sa buong mundo.
Mayroong $79.2-bilyong net worth ang 59-anyos na Microsoft founder. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment