PSYCHOLOGISTS are badly needed to check the brains of President Benigno Aquino III’s attack dogs, apologists and his defense team.
Or they can use the PNP Crime Laboratory for their neuro examination. Something must be very wrong in their brains, in their minds.
Malinaw ang resulta ng imbestigasyon ng PNP Board of Inquiry (BOI) matapos nilang isumite kay Interior Sec. Mar Roxas. From Roxas, siya naman ang magbibigay ng kopya sa Malacañang, kay Aquino.
Sana pag-abot ng BOI kay Roxas ay hindi na nagsalita o nagpaliwanag pa ang kalihim. Sa halip kasi na tahimik ang kapihan at barberya, hayun, nagwala ang mga barbero’t barista sa rami ng reaksyon sa kanya.
Idiniin lang kasi ni Sec. Roxas si resigned PNP chief Alan Purisima at suspended SAF director Getulio Napeñas. Wala raw kinalaman si Kuyang Noynoy dahil siya raw mismo ay biktima ng panloloko nina Purisima at Napeñas.
Sinundan pa ito ni Malacañang spokeswoman Abigail Valte na nagsabing malinaw raw ang ulat ng BOI kaya hindi dapat maakusahan si Aquino sa malagim na sinapit ng SAF Fallen 44 sa Mamasapano.
At sa social media sites, naglantaran na parang kabute ang mga kaalyado’t katropa ni Noynoy. Sila pa ang nanlalait sa mga pumuna at nagbigay ng reaksyon ng netizens na PNOY BROKE THE CHAIN OF COMMAND OF THE PNP on the Oplan Exodus operations.
Anak ng tokwang hilaw. If I were in the shoes of Roxas, Valte and Aquino’s attack dogs, I would rather keep quiet, observe and have a cup of coffee to clean my brain or mindset.
BROKE – ruined, bust, overdrawn, destroyed, shuttered, routed, ruptured – name it, you have it, the meaning of broke. Breaking the chain of command means rupturing the correct, valid, legal system in any organization.
Nauunawaan natin sina Roxas, Valte at mga kapwa nila nakikinabang ng malaki kay Pangulong Aquino. The show must go on, wika nga. Pero sa mga BFF natin na TSINOY, ang sabi nila sa paliwanag nina Valte’t Roxas, “WAKANGA!”
Worst, heto’t nanahimik na naman ang Pangulo. Nagtatago ba o nagpapahinga o naglalaro lang siya ng paborito niyang war games o dota?
Pero malinaw at sana ay huwag baluktutin ang resulta ng BOI report.
Naging pabaya at sinira ni Pangulong Noynoy ang sistema at opisyal na kalakaran ng Pambansang Pulisya.
Huwag na kayong humirit pa, mga tuta ni Noynoy. He simply BROKE THE CHAIN OF COMMAND! BALETODO/ED VERZOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment