Tuesday, March 17, 2015

HAMON KAY GEN. ERNI

KUNG papipiliin ang police generals sa nais nilang maging assignment, bukod sa NCR at Region 3, ang siguradong choice nila’y Region 4A.


Bakit R4A? Ito’y dahil ang rehiyon ay mayaman sa pagkakakitaan, tulad ng mga pasugalan, paihi, buriki at kung ano-ano pang iligal.


‘Yan ang dahilan kaya pinag-aagawan ang R4A na sumasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.


Para makuha ang rehiyon, kailangan ng aspirant na police official ang matinding ‘basbas’ ng mga maimpluwensyang personalidad.


Sa pagretiro kamakailan ni C/Supt. Jess Gatchalian, napakaraming heneral ang nangarap at nagpa-endorso na kapalit ni Gen. Jess.


Pero ang napili ay si C/Supt. Erwin Erni dahil ang kanyang naging ‘backer’ ay walang iba kundi si DILG Sec. Mar Roxas.


Ang totoo, hindi kilala ni Roxas si Erni pero dahil bata ito ni Deputy Dir. Gen. Marcelo Garbo, siya ang maswerteng natalaga na R4A boss.


Ang ulat, ilang buwan lang mananatili si Erni sa puwesto dahil siya’y papalitan ng heneral na inendorso ng isang maimpluwensyang sektor.


Subalit kung maganda ang ipakikita, baka ikonsidera ni Roxas ang pananatili ni Erni bilang R4A boss hanggang siya’y magretiro.


Pero sa nakikita natin, tila hindi magtatagal sa posisyon si Erni.


Dahil sa ulat na nakararating kay Roxas, iba ang inaatupag ng mga tauhan ni Erni imbes na harapin ang problema ng krimen sa rehiyon.


Sayang ang pagkakataon na pamunuan ang R4A kung sa ibang walang kwentang assignment abutan ng pagreretiro si Erni.


SUMBONG VS SUGALAN


Umabot din sa atin ang tsismis na walang karapatan nga na maging R4A director si Erni dahil simpleng sumbong ay ‘di pa kayang aksyunan.


Tulad na lang sa sumbong na pamamayagpag ng tupada ng isang Gloria sa Sitio Calumpang, Bgy. Alangilan, Batangas City.


Sa patupadahan na ito ni Gloria, hindi lang salpukan ng manok ang pustahan kundi matindi rin ang tayaan sa baklay at color games.


Isa pang inirereklamo ay ang tupadahan ng isang ex-Sgt. Legarte, kasosyo ang isang alyas Mario sa bayan ng Rosario.


Kundi tupada, sakla at color games daw ang pinagkakaguluhan ng mga mananaya.


Gen. Erni, dapat ka nga na matanggal kung iyang tupadahan ni Gloria at Legarte ay ‘di mo mapahinto. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



HAMON KAY GEN. ERNI


No comments:

Post a Comment