Saturday, March 21, 2015

Naghihintay ng nobya, patay sa tarak

PATAY ang isang 52-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang hinihintay ang kanyang nobya sa Parola cmpd., Tondo, Maynila.


Dead-on-the-spot ang biktimang si Reynaldo Gonzales, fruit checker, ng 1151 Asuncion Extn., Tondo, sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan, habang inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas bitbit ang ginamit na patalim.


Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD) homicide section, alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa MICP Access Rd., Gate 15, Parola, Tondo.


Nauna rito, galing umano ang biktima sa isang “flea market” at hinihintay ang kanyang nobya sa lugar ng pinangyarihan.


Habang naghihintay, sumulpot ang suspek sa kanyang likuran at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito na agad ikinasawi ng biktima.


Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang trabaho ng biktima sa pamamaslang dito bukod pa kung may anggulong love triangle kaya pinaslang ang biktima. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Naghihintay ng nobya, patay sa tarak


No comments:

Post a Comment