HINDI na makakaakyat pa ng entablado ang isang graduating student matapos itong mahuling nagbebenta ng droga sa Aklan.
Hindi na nakapalag pa at ngayo’y nakaditine na sa Banga PNP detention cell ang suspek na si Mark Johnson Celis, 23, graduating student sa isang Maritime school sa Kalibo at residente ng Bgy. Cerrudo, Banga.
Sa ulat, nahuli ang suspek sa tapat ng isang mini mart sa kasagsagan ng kapistahan sa Banga, Aklan.
Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force Group (PAID-SOTFG) ang pagtutulak ng suspek kaya inilatag ang buy-bust operation laban dito.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money na P1,000 sa isang nagpanggap na poseur buyer, dinakma agad ito ng mga nakapaligid na operatiba.
Hindi naman makapaniwala ang tatay ni Celis na sa pamamagitan ng pagtutulak ng droga ay magtatapos na ito sa kolehiyo sa Marso.
Nakuha kay Celis ng tatlong plastic sachet ng shabu at P1,000 na marked money na ginamit sa operasyon.
Depensa ni Celis, gumagamit lamang siya ng iligal na droga at hindi siya isang pusher. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment