Saturday, March 7, 2015

NAGBABAGONG-BIHIS NA CALOOCAN

HABANG ako’y nagkakape sa Jollibee Monumento kamakailan, isang grupo ng nanay na ‘di kalayuan sa aking upuan ay naulinigan kong nagkukwento tungkol sa hirap ng pagpapaaral sa kolehiyo.


Sa gitna ng kanilang huntahan, biglang pinag-usapan ang tungkol sa programang pang-edukasyon ni Mayor Oca Malapitan.


Sa kanilang mga bibig narinig ko na nakapagpatayo na si Mayor Oca ng mga bagong gusali ng Caloocan City University (CCU) sa unang distrito at pangalawang distrito.


Pinag-usapan din nila ang tungkol sa inanunsyo kamakailan ni Mayor Oca na libreng tuition fees sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad.


Parang kamakailan lang ang administrasyong Malapitan pero sanga-sanga na ang magagandang balita tungkol sa nagbabagong-bihis na lungsod ng Caloocan.


Sa totoo lang, hindi lang sa kanila ko narinig ang tungkol sa bagong-tayong CCU buildings at balak na free tuition fees, kundi sa iba pang Caloocanians.


Lumilipad ang ulat hinggil sa magagandang nangyayari sa lungosd ng Caloocan. Ito’y patunay na ginagawa ni Mayor Oca ang kanyang trabaho bilang punongbayan.


Hindi lang sa larangan ng edukasyon nagpapakita ng pag-unlad, dahil sa peace and order, umaarangkada ang Caloocan.


Sa latest report ng Crame, ang Caloocan ay isa sa leading cities na ang kriminalidad ay napag-uukulan ng pansin. Ito’y dahil todo ang suporta ng Malapitan administration.


Kamakailan ay nagkaroon ng bagong mobile cars and Caloocan police, courtesy of Mayor Oca.


Pagkatapos ng ilang dekada na ang gamit ay ang lumang Caloocan City Hall, magkakaroon ng bagong Caloocan City Hall.


Kung maisasakatuparan ang pagpapatayo ng bagong city hall, ito’y magiging legacy ng administrasyon ni Mayor Oca.


Mantakin mo, sa rami ng naging Caloocan mayor, siya ang makapagpapagawa ng minimithi ng mga Calaocanian na bagong Caloocan City Hall.


Sa ipinakikitang mataas na grado sa pagtugon ng kanyang tungkulin, sino ang maglalakas-loob na lumaban kay Oca Malapitan?


Malalaman natin ‘yan sa darating na Oktubre, ang filing ng candidacy para sa may 2016 election. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



NAGBABAGONG-BIHIS NA CALOOCAN


No comments:

Post a Comment