Saturday, March 28, 2015

MMDA, naglaan ng 2,300 tauhan para sa Semana Santa

UMABOT sa 2,300 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inilaan ng para sa Oplan Metro Alalay Semana Santa (Oplan MASS) na magtatagal hanggang Abril 6.


Nasa 1,627 ang traffic constables habang ang iba’y nakatalaga sa mobile patrol unit, motorcycle unit, road emergency group, metro parkway clearing group at sidewalk operations clearing group.


Muli namang nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na maagang planuhin ang kanilang biyahe sa Lenten Week para mapaghandaan ang road projects at reblocking mula hatinggabi ng Huwebes Santo (Abril 2) hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Linggo ng Pagkabuhay (Abril 5).


Suspendido rin ang number coding sa Abril 1, 2, 3 at 6, gayundin sa Araw ng Kagitingan sa Abril 9.


Samantala, nagsimula nang bumigat ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) habang papalapit ang Semana Santa.


Inihayag ni SLEX Traffic and Safety Management chief Chito Silbol na, “May mga volume na tayong pa-Southern provinces natin. Pero manageable pa naman… kayang-kaya pa nating i-manage ‘yung traffic volume as of this moment.”


Nitong Biyernes ng gabi, umabot na sa mahigit 300,000 sasakyan ang dumaan sa SLEX kumpara sa regular na volume nitong 245,000. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



MMDA, naglaan ng 2,300 tauhan para sa Semana Santa


No comments:

Post a Comment