Saturday, March 7, 2015

May alinlangan sa pagpasok ng anak sa politika!

NAKATSIKAHAN namin si Edu Manzano sa labas ng studio ng “Kapamilya Deal or No Deal” kung saan ang host ay ang anak niya na si Luis Manzano. Bumati lang si Edu kay Luis dahil guest naman siya sa “Aquino & Abunda Tonight”


LUIS IN POLITICS. Tungkol naman sa balitang pagpasok sa politika ni Luis, hindi itinago ni Edu na may pag-aalinlangan siya tungkol dito.


Saad ng dati ring politiko, “I’m never against politics. Kung gusto niya, it’s up to him.


“My son is capable of doing anything he wants in his life, kaya lang there are always sacrifices.


“Nung ako pumasok sa gobyerno, itinigil ko ang pelikula, itinigil ko ang teleserye.


“Wala na ako sa gobyerno, I’m free to do as I choose.”


DEATH THREATS. Noong nasa gobyerno pa si Edu, naging chairman siya ng Optical Media Board (OMB).


Noong nakaraang taon ay naging malaking balita ang alitan sa pagitan nila ng nasuspindeng OMB chairman na si Ronnie Ricketts.


Pinaghihinalaan kasing may kinalaman diumano si Edu sa pagkakatanggal ni Ronnie sa puwesto.


Umabot pa nga sa punto na nakakatanggap diumano ng death threats si Edu.


Ngunit diin ni Edu, “Wala kaming pinagdaanan, nagkataon lang na nasuspinde siya.


“I don’t know kung sino ang kanyang mga so-called advisers, kung bakit niya sinabi na mayroon akong kinalaman dun.


“Hindi ko kayang impluwensyahan ang Ombudsman, everything is based on evidence.


“Yung sa kanya, he’s suspended based on the evidence presented by the field investigation office ng Ombudsman.


“Wala kong kinalaman dun. Naging personal lang nung may mga ano… death threats sa akin.


“Sabi ko, ‘You know, I don’t think he knew what he was doing, he has too much on his plate.’


“Natigil lang mga death threats nung nasuspinde na siya.”


OMB ISSUES. Tiniyak din ni Edu na wala siyang balak na bumalik pa sa puwesto bilang OMB chairman.


“No more na, I served faithfully for six years, tama na ‘yun.


“Sometimes gusto kong makialam at sulatan ang ating Executive branch na mag-appoint naman sila.


“Hindi naman kailangang artista. Kailangan isang abugado, ‘yung nakakaintindi ng batas.


“Hopefully, soon they will appoint somebody na, at least, pwedeng harapin ang lumalaking problema na naman [sa piracy].


“Natanggal na natin noon, ‘tapos ang nangyari run… sa mga areas, nawala sa kalye, sidewalks.


“Pero pumasok na sa building, ginawang lehitimo ngayon.”


Saad pa ni Edu, “To be honest, it was very, very sad, lalo na kasi run sa nangyari kay Ricketts.


“Pati ‘yung ibang mga dedicated na employees ng OMB, nadamay din sa naging kaso niya.


“After how many years of service, it’s possible that they might be losing their jobs at lahat, their benefits will be forfeited.”


Sina Luis at Jennylyn hindi pa okey pero kapag sila ni jennylyn nagkita? Baka sila na?


“Off the record, ha? Hindi ano. Pinag-promise kami ni Jen na hindi kami magsasalita tahimik lang kami. So, ‘yun lang kapag nagkikita sila, okay naman, maging bridge para magkabati sina Jennylyn at Luis. Iba na kasing bridge ang inaasikaso ko ngayon, e, ‘Bridges of Love.’


“No, actually, she became my friend. Lagi kaming nagkikita, kahit sa labas, kasama niya ang Mama niya. Nagbabatian kami.”


Okey rin sila ni angel? “Oo, naman okay kami.”


Hindi siya in love ngayon? “No.”


Sa Bridges of Love, medyo binigyan daw ng moment ang lahat ng artista. “Ako ‘yung lalabas sa swimming pool na naka-t-back. Panoorin ninyo ‘yun.”


Tuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng teleserye? “As you know, may mga restaurant din ako na mga negosyo. Ah, I think now at the stage of my career I have the luxury of chosing the roles. You know, depende sa role. Kung maganda ang role bakit hindi?”


Kung sakali daring naman pwede? “Pwede ako. Lahat gagawin ko na. ke babae, ke lalaki, sige na. Para masabi ko lahat nagawa ko na.


“Kahit maglakad ako sa Luneta nang nakahubad, gagawin ko na.


“Movie with Luis and Vilma? Alam mo ang problema dyan is ano, ‘yung billing. Syempre kasi ako ‘yung mauuna, mag-aaway ‘yung dalawa sa second billing. No, actually, the problem there is the story, ‘di ba? Ang story ngayon ay kwan, e, pero kami ni Luis, nag-uusap kami. Meron kaming isang konsepto na isang comedy movie. So, gusto naming magsama roon. Kailangan ma-develop muna ‘yung istorya. Mas nakatatwa sa sa commercial naming noodles.”


Bakit after a long absence sa teleserye nagcomeback siya? “Ito ang pinaka-interesting na project na in-offer sa akin. Exciting, e. At saka iba ang sitorya ng ano, ‘Bridges of Love.’ Tingnan ninyo habang nagde-develop. Trailer pa lang ang ganda na. Mukhang aktingan ang mga artista rito? Which is nice to kwan. Kasi at the end of the day, ang kailangan ma-please mo hindi lang ‘yung sarili mo kundi ‘yung audience, e.” SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO


.. Continue: Remate.ph (source)



May alinlangan sa pagpasok ng anak sa politika!


No comments:

Post a Comment