Saturday, March 7, 2015

Gumagawa lang daw ng kwento!

PAGKATAPOS nang paghain ng reklamo ni Sunshine Cruz sa kanyang ex- husband na si Cesar Montano, sumagot naman ang actor na si Cesar Montano. Matatandaan natin ilang linggo na ang nakaraan nang muling nagsampa ng kaso ang actress na si Sunshine laban sa kanyang asawa na si Cesar. Ngunit sa pagkakataong ito, itinanggi ng actor ang mga akusayon sa kanya ni Sunshine.


“Maraming dahilan kung bakit niya ginawa sa akin ito. Una, tinanggihan ko kasing ibigay sa kanya yung property kasi I play golf pero kapalit nun ang house and lot sa Las Pinas na hindi niya tinanggap, tapos gagawa siya ng ganitong klaseng istorya. Hindi ko pinirmahan ‘yung compromise agreement kaya gumawa siya ng ganyang klaseng isyu.”


Pero ng mga sandaling ‘yun after ng preliminary trial, pinirmahan ng actor ang compromise agreement para sa sharing ng property nilang mag-asawa. Sana lang daw ay maging masaya na siya at para matapos na ang lahat. Tanging hiling lang ni Cesar ay makita ang mga anak na hanggang nagyon ay hindi pa niya muling nakikita. Last December huling nakita ni Cesar ang mga anak, hindi naman daw takot sa kanya ang mga anak.


Ano ba ang mensahe niya sa kanyang dating asawa na si Sunshine?


“Sa akin lang, mag-usap kami nang kami lang. Ayusin namin ito at huwag idaan sa ganitong klaseng isyu. Kung totoo man o hindi ang mga paratang niya sa akin. Pero siyempre hindi, totoo’ng sinasabi ko!” sabi pa niya.


Ayon naman sa atty. ni Sunshine, “Inalis kay cesar ang pagdalaw-dalaw sa mga bata dahil nga sa mga nangyari. Ibinigay kay Sunshine ang full custody sa mga bata. Noon, pwedeng magbisita si Cesar sa mga bata pero dahil sa nangyari, binawalan siya ng husgado,” sey ni Alentajan.


***


Kahit sunod-sunod ang tagok sa buhay ng actor at Sendor na si Bong Revilla, nanatili pa rin siyang malakas sa lahat ng mga pagsubok na dumaraan sa kanyang buhay. Hindi pa man natatapos ang kanyang sigalot na kinasasangkutan, heto at may panibagong problema na naman siya. Kamakailan lang dinalaw ni Sen Ramon “Bong” Revilla ang anak at Cavite Vice Governor na si Jolo Revilla sa Asian Hospital.


Na-confine sa nasabing hospital si Jolo dahil sa tama ng bala habang naglilinis diumano ito ng baril noong nakaraang february 28. Bagama’t may anggulo ring ng pagtatangka diumanong pagpapakamatay si Jolo dahil sa matinding depresyon.


Nang mga sandaling ‘yun, dinalaw ni Sen Bong Revilla ang anak na si Jolo. Binigyan ng Sandigan Bayan ang urgent of Motion ang senador na naka-detain sa PNP custodial Center dahil sa pagkakasangkot nito sa PDAF scam.


Madamdamin ang naging eksena ng dalawa ayon sa mga nakasaksi, napaiyak daw si Jolo nang makita niya ang kanyang ama sabay humingi ng “Im very sorry, Papa!”


Sagot naman daw ni senator bong, “We have to be strong, Anak!”


Nang mga sandaling ‘yun binigyan ang senador ng limang oras to stay in the hospital para makapiling ang anak na si Jolo. SABEEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Gumagawa lang daw ng kwento!


No comments:

Post a Comment