UMARANGKADA na ngayong araw ang mas matinding trapik dahil sa pagdagsa ng mga sasakyan at pasaherong papasok at palabas sa Metro Manila kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.
Naitala kagabi ang 305,000 mga sasakyan na lumalakbay sa South Luzon Expressway (SLEX) mula sa regular na 245,000.
Kaugnay nito, nagpakalat na rin ang Metro Manila Development Authority ng 2,300 traffic enforcers na magmamando ng traffic sa mga susunod na araw.
Sa ganitong okasyon, bumibiyahe ang mga estudyante para magbakasyon at ang mga pamilya naman ay pumupunta sa mga prime destination sa bansa partikular sa Davao, Cebu at Puerto Prinsesa para mamasyal.
Halos fully-booked na ang biyahe ng mga eroplano maging ang mga bus.
Dahil dito, umapela na ang gobyerno sa mga kumpanya ng eroplano at bus na dagdagan na ang mga biyahe lalo na sa Martes hanggang Huwebes Santo para walang maapektuhang pasahero.
Sa Miyerkules ay sususpendihin na rin ang number coding sa Metro Manila.
Samantala, patuloy naman ang magdamagang pagbabantay ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus stations para siguruhing walang overcharging at overloading ng mga pasahero sa mga provincial bus para maiwasan ang disgrasya sa kalsada.
Naglabas na rin ang ahensiya ng special permits para sa karagdagan biyahe.
Susubukan daw ng LTFRB na maiproseso ngayong araw ang 500 permit. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment