Saturday, March 28, 2015

Hiling na pagrepaso sa death penalty kay Veloso, ibinasura

IBINASURA ng ng Korte Suprema ng Indonesia ang petisyon ng pamahalaan ng Pilipinas na repasuhin ang hatol na kamatayan sa OFW na si Mary Jane Fiesta Veloso.


Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa death row si Veloso makaraang maaresto sa pagbibitbit ng higit dalawang kilo ng heroin sa kanyang bag nang dumating sa Yogyakarta Airport sa Indonesia noong 2010.


Humirit ng clemency ang Pilipinas subalit ibinasura naman ito ni Indonesian Pres. Joko Widodo.


Dahil dito, humiling ang DFA ng judicial review sa basehang hindi nabigyan si Veloso ng angkop na translator sa kanyang hearing.


Nagdesisyon naman ang district court ng Indonesia na iakyat ang kaso sa Supreme Court (SC) ngunit dahil tuluyan itong ibinasura, pinangangambahang matuloy na ang pagbitay kay Veloso.


Ayon kay DFA Assistant Sec. Charles Jose, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng iba pang ligal na paraan para iligtas sa bitay ang nasabing Pilipina.


May hatol na kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang drug trafficking sa Indonesia.


Sakaling matuloy, bibitayin kasama ni Veloso ang isang Indonesian, dalawang high-profile Australian inmates at mga convict mula sa France, Brazil, Ghana at Nigeria. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Hiling na pagrepaso sa death penalty kay Veloso, ibinasura


No comments:

Post a Comment