MINASAKER ng hindi nakikilalang lalaki ang limang katao kabilang ang tatlong paslit sa Baguio City nitong Linggo ng hapon, Abril 6.
Nagtamo ng halos tigsa-10 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na sina Joey Niciete, 9; Dave John de Guzman, 7; Raymond Delmendo, 8; Jacquelyn Kale Nociete, 19 at Jonalyn Lozano, 32, kasambahay ng pamilya Nociete.
Palaisipan naman sa Baguio City Police Office kung sino ang nasa likod masaker dahil naisakatuparan ng suspek ang krimen nang walang naging saksi.
Sa ulat, natuklasan ang insidente alas-3 nitong Linggo ng hapon sa isang apartment na inuupahan ng mga biktima sa Kanyang St., Baguio City.
Ayon sa pulisya, bago ang pagmasaker ay halos may isang linggo pa lamang nakakalipat ang mga biktima sa nasabing apartment.
Nagulat na lamang ang mga kapitbahay nang biglang kumalat ang balita na pinatay ang lahat ng nakatira sa nasabing aparment.
Ayon naman sa nanay nina Joey na si Vilma, nakapag-text pa sa kanya si Jacquelin dakong 4 nitong Linggo ng hapon at sinabing may bisitang dumating sa apartment pero hindi niya kakilala.
Teorya naman ng pulisya na paghihiganti ang motibo sa pagmasker dahil walang mahahalagang gamit ang nawawala sa pinatay na mga biktima.
Lumalabas din na may isang kakilala ang pamilya na nangungutang pero hindi nila napagbigyan.
The post UPDATE: Pamilya sa Baguio minasaker dahil di nagpautang appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment