SOBRANG maraming tumaas ang kilay nang tawagin ang namesung ni Vice Ganda sa nagdaang Star Awards ng Philippine Movie Press Club for movies bilang Best Actor.
Ang kalaban kasi ni Vice sa kategoryang Best Actor ay sina Joel Torre at Gov. ER Ejercito ng Laguna. Ang balitang nakarating samin, may nag-lobby raw kasi kay Vice para manalo ito sa nasambit na award-giving body kaya kahit wala pa si Vice Ganda sa Pinas that time dahil sa kanyang Show sa America ay wagi pa rin siya sa Star Awards.
Pero hindi maiiwasan na may manggalaiti kay Vice kasi nga ‘di-hamak naman daw na mas deserved pang manalo itong si Joel Torre para sa kanyang pelikulang On the Job at Gov. ER ng Boy Golden.
And speaking of Boy Golden, nanalo rin ang leading lady ni Gov. ER na si KC Concepcion ng Best Actress Trophy. Tinalo nito sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Ate Vi at Ms. Nora Aunor.
Samantala, balikan natin si Vice Ganda. Marami kasi ang nagsasabi na dapat daw hindi na lang tanggapin nito ang kanyang trophy mula sa PMPC. Ang kaso, makapal daw ang mukha ng komedyana.
On top of that, ilusyonada rin daw ito at matakaw sa Award.
Ibig bang sabihin nito’y mas matinik si Mel Navarro na balitang nangampanya sa kanyang mga kamiyembro sa PMPC for Vice Ganda kompara kay Dominic Rea at iba pang mga taga-PMPC na sinasabing katulong ng kapatid naming si Jobert Sucaldito para sana ikampanya ang pagkapanalo ni Gov. ER?
Totoo ba na itong si Award-Winning Actor pala ang nagpakalat ng mga nude photos kamakailan lang ni Young Actor? Na sinasabing kinaiiritahan ngayon ng ibang mga kapatid natin sa hanapbuhay?
Magkaribal yata si Award-Winning Actor na ito at ang nasambit na Young Actor sa isang mayamang Baklush sa TV Network kung saan nakakontrata ang dalawang ito.
At totoo rin ba na sobrang nai-insecure itong si Award-winning actor kay young actor?
Dahil sa ‘di hamak daw na mas bata, fresh at gwapo itong si Young Actor kumpara kay Award-winning actor kaya naman sinasabing ito ngayon ang kinahuhumalingan ng nasambit na pader at mayamang baklush sa naturang network.
Clue: may bagong ginagawang teleserye ngayon itong si Award Winning Actor na ang kanyang katambal dito ay ang sinasabing jowa ni Young Actor.
The post Tanggapin kaya ni Vice Ganda ang best actor thropy kahit ‘di niya deserved? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment