NAGPASAKLOLO na ang MalacaƱang sa mga mayor sa Metro Manila upang makagawa ng solusyon sa nararanasang kalbaryo ng commuters ng MRT at LRT.
Ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang panawagan nang lumabas sa pagdinig ng Senado na darating sa bansa ang karagdagang coaches ng MRT sa taong 2015 pa.
sinabi ni Valte na naghahanap na ng ibang paraan ang DOTC upang maibsan ang sakripisyo sa mahabang pila ng libo-libong commuters ng mass rail transit, kabilang na ang pagpapatupad ng single ticketing system.
Ayon kay Valte, tumutulong na ang Makati City sa pag-dedeploy ng mga bus para sa libreng sakay ng mga nagta-trabaho sa Makati.
Humingi rin ng paumanhin ang Palasyo sa pagsasakripisyo ng mga pasahero dahil ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng hakbangin upang maibsan ang kanilang paghihirap.
Kaugnay nito, magpipiket ang isang grupo ng mga mananakay sa Metro Rail Transit (MRT) depot sa North Avenue, Quezon City ngayong Huwebes.
Ayon kay Sammy Malunes ng Riles Laan sa Sambayanan (Riles) Network, ito’y para ipahayag ang kanilang labis na pagkadismaya sa serbisyo ng MRT.
Giit niya, hindi na makatarungan ang mahabang pila sa mga istasyon ng tren kung saan inaabot umano ng dalawang oras ang maraming pasahero bago makasakay.
Sa ikinasang protesta, hihilingin din ng Riles Network ang pagbibitiw ni MRT General Manager Al Vitangcol lalo’t nadadawit na ito sa isyu ng pangingikil.
Tinawag pa ng grupo na kolektor ni Pangulong Noynoy Aquino si Vitangcol.
Matatandaang itinanggi na ni Vitangcol ang paghingi ng $30 milyon mula sa isang Czech company kapalit ng kontrata sa mga bagong bagon ng MRT.
The post Palasyo nagpasaklolo sa Metro mayors vs kalbaryo sa MRT, LRT appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment