IPINAGPALIBAN ang pagbasa ng sakdal sa mag-asawang dating Chief Justice Renato Corona at misis na si Cristina sa Court of Tax Appeals.
Dahil bago pa man makapagsimula ang pagdinig ay hiniling na ng kampo nina Corona na ipagpaliban muna ang arraignment.
Ipinaliwanag ng kanilang abogado na hindi pa nagdedesisyon ang Department of Justice sa inihain nilang petition for review hinggil sa isinampang tax evasion case laban sa kanila.
Batay sa rules, may 60 araw ang DoJ para desisyunan ang isang petition for review.
Dahil dito, itinakda ng CTA 2nd Division sa Hunyo 4 ang arraignment.
Ang kaso ay may kaugnayan sa hindi maipaliwanag na yaman ng mag-asawang Corona na inihain ng Office of the Ombudsman.
The post Pagbasa ng sakdal sa Corona couple kinansela appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment