Wednesday, April 9, 2014

Pacman at Timothy Bradley, nag-face-off sa final press conference

TATLONG araw bago ang inaabangang rematch, nagface-off na sina WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr. at dating pound for pound king Manny Pacquiao.


Ang face-off nina Pacman at Bradley ay nangyari sa katatapos nilang fight press conference.


Kasama sa press con ang dalawang trainer na sina multi-awarded Freddie Roach at Joel Diaz.


Suot ng Filipino ring icon ang itim na leather jacket, habang ang American undefeated boxer ay pormal sa gray suit.


Sa kanilang pagsasalita sa harap ng international media at boxing fans, kapwa nangako sina Pacquiao at Bradley na sila ay mananalo.


Matapos ang press conference, susunod na aabangan ay ang final weigh-in sa araw ng Sabado.


Ang Bradley-Pacquiao rematch ay gagawin sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.


The post Pacman at Timothy Bradley, nag-face-off sa final press conference appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman at Timothy Bradley, nag-face-off sa final press conference


No comments:

Post a Comment