Friday, April 11, 2014

Number coding scheme sa Huwebes at Biyernes Santo, hindi ipatutupad

IPINAHAYAG ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi ipatutupad ang unified vehicular volume reduction program (UVVRP) o mas kilalang number coding scheme sa darating na Huwebes at Biyernes Santo.


Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, maaaring bumiyahe sa kalakhang Maynila partikular sa mga major thoroughfares ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 7 at 8 sa Huwebes Santo habang ang may plakang nagtatapos sa 9 at 0 ay maaari ding bumiyahe sa Biyernes Santo.


Ayon kay Tolentino, ang pagpapatupad sa number coding na siyang naglilimita sa dami ng mga bumibiyaheng sasakyan sa Metro Manila ay awtomatikong sinususpinde sa araw na idineklarang public holidays.


Paalala naman ng MMDA, ang mga behikulong apektado ng number coding sa mga darating na araw ay maaaring bumiyahe sa itinakdang “window hours” na alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon maliban sa siyudad ng Makati, Malabon at Las Pinas.


The post Number coding scheme sa Huwebes at Biyernes Santo, hindi ipatutupad appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Number coding scheme sa Huwebes at Biyernes Santo, hindi ipatutupad


No comments:

Post a Comment