MEGA dinenay naman ni Derek Ramsey ang tungkol sa diumano’y special relationship nila ni Kris Aquino.
Ayon sa actor, matagal na raw silang friend ni Kris but recently, mas lumalalim daw ang frendship nila. “Actually, nandu’n tayo sa stage na mas naging close kami ngayon, dati kasi masasabi ko, hindi ganu’n ka-close pero matagal na kaming magkaibigan,” bungad niya.
Marami ang naglalabasan na isyu na more than frienship daw ang relasyon n’yo ngayon ni Kris, as in kayo na raw?
“Wow! Really? Sa totoo lang mahirap mag-explain, basta kami we’re good friends!” sabi pa niya.
Ano ba ang mensahe niya sa mga taong nagkakalat patungkol sa maling balita tungkol sa kanila ni kris?
“Really? Wala akong masabi sa kanila at natawa lang ako. Kasi nauna pa silang nakaalam na kami na ni Kris! Hahaha! Sa akin lang, nakakahiya sa pamilya ni Kris,” dugtong pa niya.
The post ‘Nauna pa silang nakaalam na kami na ni Kris!’ – Derek Ramsay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment