Thursday, April 3, 2014

Namimili kasi ng press na iimbitahan sa kanyang mga presscon, Cesar Montano inaalat

PANGMASA ang image ni Cesar Montano pero parang ang pino-project nito ngayon ay pang high-end na siya at namimili na ng mga reporter na iimbitahan sa kanyang mga Presscon.


At ano naman ang napapala niya sa ginagawang deskriminasyon sa press? Well, kung before ay hindi siya namamahinga sa rami ng kanyang mga project, ngayon ay mukhang patuloy na inaalat sa kanyang career ang actor-businessman.


Nauna ng napabalita na magiging co-director siya ng malaking pelikula ng Iglesia Ni Cristo na Sugo pero naudlot ito. Ang sabi, ang dahilan ay ang availability raw nito na may natanguan nang naunang project at hindi kaya ng kanyang schedule na maglagare.


Is that so? Baka naman may mas malalim pang dahilan kung bakit nawala ito sa movie.


Heto pa, plantsado na raw na si Cesar ang bida sa bioflick ni Andres Bonifacio. Kamukat-mukat mo bigla na lang siyang pinalitan ni Robin Padilla at oo nga’t kinukuha rin siya, kaya lang, supporting role na lang kung saan siya ang gaganap na Jose Rizal.


‘Di ba nakaiinsulto naman ito on his part? Kasi noong gawin niya ang life story ni Gat Jose Rizal sa GMA Films ay siya ang bida rito.


Naku! Sana naman yung mga susunod na offer ay hindi na palpak nang makabawi naman ang actor na may karapatan din palang maging singer.


Infairness, puwedeng i-level sa mga Makabayan song tulad ng Bayan Ko, Magkaisa, Ako Ay Pilipino ang inawit ng actor sa nakaraang 30th PMPC Star Awards for Movies.

Hindi namin alam ang titulo pero damang-dama namin ang lyrics nito at melody at bagay siya sa boses ng aktor.


AGAWAN NG MISTER, NAKAGUGULAT NA REBELASYON AT AMINAN SA “THE LEGAL WIFE”


AKMANG-AKMA ang hastag na EveryNightIsAnAffair at TLWTheFieryConfession sa The Legal Wife lalo na sa mga latest episode ng top-rating teleserye topbilled by Angel Locsin, Maja Salvador and Jericho Rosales.


At sa napanood na episode last April 2, Wednesday, siguradong lahat ng avid viewers nang show ay nagulat sa malaking rebelasyon tungkol sa pagkatao ng mapagmahal na Kuya ni Monica (Angel Locsin) na si Jasper (Ahron Villena) na isa palang gay.

Nanggaling mismo ang fiery confession na ito sa matagal ng karelasyon ni Jasper na si Vince (Johan Santos). Magkasamang nagpunta sa event na ‘yon ang magkapatid kaya harap-harapang narinig ni Monica ang lahat ng mga sinabi ni Vince na umamin na boyfriend siya ni Jasper.


Kaya pala noong una palang ay duda na si Eloisa (Rio Locsin) sa nagtetext sa anak (Jasper) dahil tunog pangalan ng lalaki ang nagpapadala rito ng mensahe. ‘Yun pala, pusong babae ito. Ano na ang mangyayari ngayon kay Jasper? Matanggap kaya ni Monica at ng pamilya lalo na nang kanyang Daddy Javier ang pagiging bading nito?

Napakahirap ng sitwasyon ni Jasper na matagal na itinago sa lahat ang tunay na kasarian.


Samantala, maling babae naman ang pinaghihinalaan ni Monica na kerida ng mister na si Adrian. Nasa harapan lang niya ang tunay na ka-affair ni Adrian at ito ay ang kanyang bestfriend na si Nicole (Maja Salvador) pero ang classmate noong High School ni Adrian na si Digna (Nina Dolino) na flirty naman kasi kaya ito ang kanyang napapagdiskitahan.


Matinik si Monica at konting panahon na lang ay tiyak na mahuhuli niya ang mister at si Nicole.


Patindi nang patindi ang mga eksena sa The Legal Wife at palalim nang palalim na ang karakter na tinatahak ng bawat tauhan sa serye. Kaya naman bawat episode ay huwag niyong palalampasin nang hindi kayo mabitin sa pinag-uusapang programa na pataas nang pataas ang ratings at kinakabog ang katapat na show.


Mapapanood ang The Legal Wife pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng Kapamilya network.


FEMALE STUDIO AUDIENCE IPINARTNER SA LOS VIAJEROS SA HAKOT ALL YOU CAN


WALANG tigil ang tilian at sigawan mula sa mga girl studio audience ng Eat Bulaga, Monday, sa segment na Hakot All You Can, Let’s Do It Babes.


Paano naman kasi hindi maghihiyawan ang girls, eh, apat sa kanila ang masuwerteng naipareha sa mga super hunky Papa na Los Viajeros na sina Pedro, Diego at Eduardo at sila ay sina Agataha, Laila, Lean at Marilyn na partner ni Diego na nag-top sa qualifying round dahil siya ang mabilis na natapos sa challenge kung saan ay inipit sa mga ilong ng Viajeros ang lapis saka ipinasa sa mga babae na inilagay naman sa plato.


At presto si Marilyn ang naglaro sa hakutan ng pera na dahil sa bilis ng paghakot ng coins ay nagwagi ito ng P29,430.00.


Aba! Para sa isang ordinaryong katulad ng nasabing winner ay malaking tulong ang halagang ito para sa kanya at sa ka-share sa studio audience na wagi naman ng 14,715. Walang kahirap-hirap o puhunan ay napasakanya.


Yes, ganyan kabilis manalo sa mga Pakontes ng Bulaga!


The post Namimili kasi ng press na iimbitahan sa kanyang mga presscon, Cesar Montano inaalat appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Namimili kasi ng press na iimbitahan sa kanyang mga presscon, Cesar Montano inaalat


No comments:

Post a Comment