Thursday, April 3, 2014

Nabiktima ng mandurugas na show promoter!

PAREHAS naging biktima ang dating viva hotbabes na sina Maui Taylor at Katya Santos ng isang walang-hiyang filipino producer kuno nang mag show ang dalawa sa Dubai.


Sa panayam sa dalawa (Katya at Maui), masama pa rin ang loob nila sa isang show producer na nanloko umano sa kanila nang magtanghal sila sa Dubai nitong nakaraang Marso. Dapat daw mahiya at sumuko na ang hinahabol nilang producer na isa raw “engineer”.


Kuwento ni Katya, bukod sa hindi sila binayaran ni Maui, hindi raw sila binigyan ng plane ticket pabalik sa Pilipinas kaya naantala ang pag-uwi nila sa ating bansa.

Napag-alaman daw ni Katya sa kanyang pinsan na ipina-booked lang daw sila ng hinahabol nilang producer pero hindi naman daw ito bumili ng tiket ng eroplano para sa pag-uwi nila sa Pilipinas.


Natuklasan din daw ng dalawa na hindi lang sila ang mga celebrity na naloko umano ng producer.


Bukod dito, puro paso o expired na rin daw ang mga papeles ng produksyon nito kaya ilegal na raw ang mga ginagawa nito.


Samantala, hanggang ngayon patuloy pa ring nilo-locate ng dalawa (Katya at Maui) kung saan nagtatago ang Filipino producer kuno na nanloko sa kanila.


Ngunit ayon sa source ng dalawa, nasa Sharjah, Dubai daw nagtatago ang Filipino-produ na nanloko sa kanila.


000


EXCITED na ang actor na si Richard Gomez sa nalalapit na laban niya sa Asian Men’s Volleyball Championship ngayon April 8 to 16.


Ano ba ang kanyang preparasyon para sa nalalapit na laban niya para sa Asian Men’s Volleybal Championship?


“Eto nagpa-acupuncture ng tuhod para tumibay pa! Medyo hindi na rin tayo bata kasi!” tawa pa niya.


Sa pagkakataong ito paano pa kaya niya nabibigyan ng time ang Sports, in spite of his busy schedules?


“Medyo, mahirap mag-balance ng time kaya lang, ‘pag gusto mo kasi ang isang bagay, walang imposible, e. Time Management lang yan ika nga!” sabi pa niya.


Gaano naman ka-supportive sa kanya ang kanyang asawa (Lucy Torres)?


“Naku! mas excited pa nga sa akin. Hahaha! Pero sa totoo lang, sobrang suwerte ko sa aking asawa (Lucy) kasi lagi siyang nakasuporta para sa akin. I feel blessed!” kuwento pa niya.


The post Nabiktima ng mandurugas na show promoter! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nabiktima ng mandurugas na show promoter!


No comments:

Post a Comment