Tuesday, April 8, 2014

Na-disillusion si Kuya Boy Abunda

NAGBAGO ang isip ng King of Talk sa plano niya na pagpasok sa politika sa 2016.


Hindi raw siya tatakbo sa susunod ne eleksyon. May ibang priority na raw siya ngayon.


“Ah, hangga’t inaalagaan ko ang Nanay, ‘yun ang priority ko,” na ang tinutukoy niya ay ang kanyang ina na si Licerna Abunda. “Everything else is second. I’m not closing my doors on politics. But definitely, not in 2016.”


Hindi raw niya mahahati ang oras niya sa politika at pag-aalaga sa kanyang ina.

Bukod d’yan, may iba pa siyang dahilan.


“Pangalawa, ang dami ko’ng disappointments sa nangyayari sa gobyerno. ‘Yung hindi gobyerno ni Noynoy, ha? ‘Yung sistema, ah, the P10 billion scam, itong corruption sa mga offices. You know, Noy is just one. He can only do so much. Pero parang ‘yung, ‘Do I really want to be part of the system?’ ‘Yun ang tanong ‘di ba? Gusto ko ba’ng maging bahagi ng sistemang ito na napakatagal na,” pahayag ni Kuya Boy.


Very open si Kuya Boy sa pagsabi na kung papasok siya sa politika, he will start in Eastern Samar. Ang original plan niya ay tulungan ang kanyang probinsya.


Pero may mga tanong na siya ngayon kung worth it ba na pasukin niya ang politika na meron siyang inaalaganag ina at kahit paano ay marami pa rin ang nanonood sa kanyang mga TV shows, “Kasi you have to listen also to, hindi ko sinasabi na ano, but you have to listen to yourself, e. Parang am I willing to give up my more than 20 years in this business for a career na babastusin lang ako kahit napakaganda ng aking intensyon? Ang dami mo’ng iniisip na ganoon,” diin niya.


Kaya natatakot na raw siya na pasukin ang politika tapos sumabay pa ang kondisyon ng kanyang ina.


“Ay, hindi puwede, e, lalo na sa state ngayon ni Nanay na para bagang in her twilight years when I look back I wanna say I was there ‘di ba?


“Ayokong lumingon at ah, kasi you can be measured in many ways, ‘di ba? Pero hindi sa pagigig anak, lahat tayo. I think most of us are really good children.


“Oo, sa mga nakakausap ko I think most of us are good children. Hindi ko kaya. Hindi ko isusuko ‘yun. Ayoko talaga,” pailing-iling niyang tapos.


-ooOoo-


NA-LOST si Anne Curtis sa Favorite Asian Act category ng Nickelodeon’s Kids Choice Award. Tinalo siya ng Chinese singer na si G.E.M.


Panay pa naman ang promote ni Anne noontime show nila na iboto siya ng kanyang fans and followers. Mukhang confident pa naman si Anne na mananalo siya dahil sa ilang milyong followers niya sa social media.


But sad to say, hindi siya ang nanalo. Syempre, i-speculate na naman ng iba na may kinalaman ang pagiging nega raw ngayon ni Anne. Kung may six million follower nga naman napakalaki ng chance niya na manalo.


Tama nga si Vice Ganda when he wished during his birthday celebration sa “It’s Showtime,’ e, sana tantanan na ng intriga at eskandalo ang mga kasamahan niyang host sa show nila especially kina Anne, si Billy Crawford-Coleen Garcia, at si Vhong Navarro. Pati na rin syempre si Vice.


Anyway, nabasa namin sa tweet ni Anne na balik-taping na siya sa sirenaserye niya na Dyesebel pagkataps ma-ospital dahil sa kagat ng dikya last Monday. Hopefully, wala nang mangyaring aksidente kay Anne at sa iba pang stars ng “Dyesebel.”


The post Na-disillusion si Kuya Boy Abunda appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Na-disillusion si Kuya Boy Abunda


No comments:

Post a Comment