Friday, April 11, 2014

Miss Philippines Earth 2014, pinagsama ang old and new candidates sa isang okasyon!

PANAY magaganda at may karapatan ang 25 candidates ng Miss Philippines-Earth na dumating sa Psalmstre Plant and Office sa Taytay, Rizal dahil sa invitation ng Psalmstre President Jaime V. Acosta.


Kasama ang 25 sa 47 official candidates ng Miss Philippine-Earth 2014 na ipalalabas sa Kapamilya Network. Bale old and new candidates ang dumating. May sumali pa ngang nakasama sa top 10 ng Bb. Pilipinas 2014.


Kabilang sa nakita naming may potential na candidates ay sina Miss Caloocan na si Amanda Arbitrario, 22, na graduate ng BS in Information Technology. Siya’y kasalukuyang reigning Miss Caloocan 2014.


Samantalang si Janica Ella Hondrade, 21, ng Iloilo City ay graduate ng BS ED last year. Kasalukuyan siyang teacher ng on line ng K-12 online school, isang American International School.


Impressive rin ang beauty nina Miss Cebu City at Miss Gapan, Nueva Ecija.


Mapanonood ang Miss Philippines Earth Grand Coronation night sa SM Arena in MOA sa May 11, 2014 telecast ng ABS-CBN 2.


Part ng itineraries ng Miss Philippine-Earth ang pagpunta sa mga company na sumusuporta sa Miss Philippines-Earth. Sinuportahan ni Mr. Acosta ang beauty contest dahil naniniwala siya sa advocacy nito na pangalagaan ang kalikasan.


Tungkulin din ng Psalmtre, gumagawa ng New Placenta at Olive C soap and beauty products, na pangalagaan ang kalikasan sa pggamit ng mga ingredient sa kanilang produkto na pawang natural –based extract.


Ipinaliwanag sa mga kandidata ang ligtas na sangkap ng mga produktong ng New Placenta, New Placenta for Men, Glutamin at Olive C. Naging speaker si Psamstre Presdient Acosta at ang kanilang house pharmacist na si Zander Bautista.


May shows sa Abu Dhabi at Dubai


MAPAPANOOD ng mga Overseas Filipinos sa Abu Dhabi at Dubai, UAE sa dalawang bonggang shows na siguradong puno ng kulitan at katuwaan ang ilan sa kanilang mga paboritong artista mula sa TV5 ngayong Abril 11 (simula 6:30pm sa Al Jaheli Theatre, Armed Forces Officers Club and Hotel, Abu Dhabi) at Abril 12 (simula 7:00pm sa Boracay Club, Asiana Hotel, Dubai).


Pangungunahan ito ng main cast ng comedy at gag program na Tropa Mo Ko Unli, na sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Alwyn Uytingco, Wendell Ramos, Ritz Azul, Valeen Montenegro, Edgar Allan Guzman at Empoy. Kasama rin ang guest nila na si Iwa Motto.


Handog ng TV5 International ang show na ito bilang selebrasyon at pasasalamat para sa mga Pinoy viewers doon matapos ito maging pangalawang pinakapinanonood na Pinoy channel sa buong Middle East at North Africa, sa loob lamang ng 3 taon.


Bukod sa nasabing mga shows doon, nakatakda ring mag-taping ang cast ng Tropa Mo Ko Unli kaya’t mapanonood din ang kulitan at tawanan nila sa iba’t ibang lugar ng Abu Dhabi at Dubai sa mga summer episodes ng programa.


Abangan ang Tropa Mo Ko Unli linggo-linggo tuwing Sadabo ng 7:30pm sa TV5.


The post Miss Philippines Earth 2014, pinagsama ang old and new candidates sa isang okasyon! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Miss Philippines Earth 2014, pinagsama ang old and new candidates sa isang okasyon!


No comments:

Post a Comment