IKINASA ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na seguridad sa Veterans Memorial Center (VMMC) para sa pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), bahagi ito ng kanilang security plan dahil maraming mga personalidad ang inaasahang dadalaw kay Arroyo.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nasa 50 katao ang inaasahan nilang darating, kasama na ang kaanak at malalapit na kaibigan ng dating presidente.
Dahil dito, tiyak na masikip sila sa loob ng isang silid kaya naglagay na lang ng mga upuan at mesa sa VMMC grounds.
Hinati sa tatlong batch ang mga bisita mula ngayong umaga hanggang mamayang tanghali at gabi.
Gayunman, ipatutupad sa gate ang kautusan ng korte ukol sa security check kahit nakatala ang pangalan ng mga darating sa listahan ng mga bisita.
The post Mahigpit na seguridad ikinasa sa birthday ni GMA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment