NAGING emosyonal si Kris Aquino at inalala niya sa primetime talk show program nila ni Boy Abunda ang ilang masasayang sandaling kasama niya ang ex-husband at ama ng bunso niyang si Bimby.
Hindi maiwasan ng actress/host na mapaluha when she narrated how James stood as a caring father to her firstborn son, Josh, kahit na hindi naman ito kadugo ng basketbolista. Si Josh ay anak ni Kris sa naka-relasyon niya noon na si Phillip Salvador.
“You stepped up for Josh.. Naging mabuti ka sa someone na hindi mo naman kadugo,” she tearfully stated on national TV. Kris also had nice words sa pamilya ni James.
“Pati yung family mo, they were always good to my son,” ika niya.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Kris ng picture na makikitang karga-karga ni James ang noo’y hindi pa ganoon kalaking si Josh.
Marami sa ating readers ang nagtatanong, hindi raw kaya mahal pa ni Kris si James?
Bakit ngayon lang niya ito sinasabi lahat ngayong ipinakilala na rin niya sa madla ang bagong boyfriend niya in the person of Quezon City Mayor Herbert Bautista?
Matagal nang naka-move on si James at masaya na sa bago niyang girlfriend, ang Italian banker na si Michaella Cazzola.
——
HINDI natin alam kung kumakanta pa si Robi Domingo ala-Demi Lovato nang magbigay raw siya ng payo kay Sam Concepcion hinggil sa sigalot nang huli kay Anne Curtis- na ate ng kanyang girlfriend na si Jasmine Curtis-Smith.
“Just let it go, let it go,” sabi daw ni Robi kay Sam na nakasama niya noon bilang miyembro ng Gigger Boys.
“And if you really love the person, you know, be silent about it. Not naman silent, I guess but just be firm with your decision.”
Ayaw nang magbigay ng pahayag sa issue sina Jasmine at Sam, samantalang si Anne ay magaling na sa pagkalason ng katawan dala nang isang dikya na kumapit sa kanya.
——
HINDI lang politically-savvy si Tarlac City Mayor Ace Manalang kundi isa rin siyang ardent supporter ng industriya ng pelikula.
Aking nakausap ang isang prominenteng direktor at saludo siya sa butihing Mayor dahil kapag kailangan nilang mag-shooting sa Tarlac ay hindi na nagdadalawang-isip ang Chief Executive ng Lungsod at agad silang pinagbibigyan.
On another note, nagpapasalamat ang City Mayor na kilala sa pagiging pro-poor, sa mga opisyales ng Sun Moon University of South Korea sa pagtalaga ng mga ito sa kanya bilang Global Vice President. Isang malaking karangalan aniya ito sa kanya.
Lumalabas rin sa mga pelikula noon si Mayor Ace at kung may offer daw na darating na maganda ang kanyang role ay mariin niya itong pag-iisipan.
For comments, puwede n’yo akong itext sa 09088107598 or i-email sa rod.yabis@yahoo.com
The post Mahal pa rin ba ni Kris si James? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment