DAHIL sa ginawang pag-amin ni Kris Aquino sa relasyon nila ngayon ni Q.C. Mayor Herbert Bautista, inaabangan ngayon ng lahat ang magiging statement ni Tates Gana ang live-in partner ni mayor for many years.
Hindi pa rin kasi malinaw sa lahat kung naghiwalay na ba sila bago pa nagkaroon ng relasyon si Bistek may Kristeta?
Karamihan kasi ng nakakausap namin ay iisa ang sinasabi. Masakit daw para kay Tates na mahabang panahon din ang hinintay kung pakakasalan ba siya ni mayor, not to mention the fact na may dalawa silang anak.
Finally, kamakalawa ay may post si Tates na isang quotation. It read: There’s no need for revenge. Just sit back and wait. Those who hurt you will eventually screw up themselves and, if you`re lucky, God will let you watch.
Sa caption naman ay may nakalagay na: So don’t waste your time.
Makahulugan ang post ni Tates at tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman.
000
IKINAGULAT ni Julia Barretto ang isyu na siya ang dahilan ng pagtataray diumano ni Anne Curtiz kay Sam Concepcion.
Lumalabas kasi na si Julia raw ang bagong pinopormahan ngayon ni Sam na alam ng lahat ay boyfriend ng sister ni Anne na si Jasmine Curtiz-Smith.
Pinagdiinan ni Julia na walang katotohanan ito dahil parang Kuya raw ang tingin niya kay Sam at malabong mahulog ang loob niya sa BF ni Jasmine.
Priority daw ngayon ng anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla ay papagandang showbiz career.
Samantalang kay Julia rin nalaman na tila gusto na ring pasukin ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco ang showbiz.
Payo lang ni Julia kay Dominique na maging matibay ang loob at magsanay magsalita ng Tagalog.
Sa ngayon ay nasa London ang dalaga ni Gretta para tapusin ang pag-aaral.
000
IPINAHIRAM ng GMA 7 ang nagbabalik sa kanila na si Sarah Lahbati para sa isang TV movie na Studio 5 Originals na More Than Words na kung saan makakasama niya sina Alice Dixson, Mark Gil, Carl Guevarra at Jackie Lou Blanco at isa itong Mother’s Day presentation.
I’m both excited and nervous to be part of this project. We have a great cast and creative team. I’m looking forward to work with Ms Alice Dixson who plays my mother here, say ni Sarah.
Ask kung may plano na ba sila ni Richard Gutierrez na magpakasal? May post kasi si Chard sa Instagram na isa siyang ilaw ng tahanan.
Wala pa raw silang planong pakasal, lalo’t nagsisimula ulit daw siya sa kanyang career pagkatapos na mawala ng higit isang taon.
The post Live-in partner ni Mayor Bistek nagsalita na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment