Thursday, April 10, 2014

Kahon-kahon na fake sex enhancer nakumpiska

KAHON-KAHON na mga sex enhancer ang kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga tindahan sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila kaninang umaga.


Nabatid na alas-11 ng umaga kanina nang salakayin ng NBI ang ilang stalls sa 168 mall, Recto at Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.


Ginawa ang pagsalakay matapos mapag-alaman na karamihan sa mga itinitindang iba’t ibang brand ng sex enhancer ay walang approval seal mula sa Bureau of Food and Drugs (BFAD).


Paulit-ulit namang pinaalalahanan ng BFAD ang publiko na huwag basta-basta tatangkilik ng mga pekeng produkto dahil nakakasama ito sa kalusugan at maaaring ikamatay.


Inaalam pa ang kabuuang halaga ng nakumpiskang mga produkto.


The post Kahon-kahon na fake sex enhancer nakumpiska appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kahon-kahon na fake sex enhancer nakumpiska


No comments:

Post a Comment