Tuesday, April 1, 2014

High school graduate nalunod sa Pangasinan, patay

CALASIAO, PANGASINAN – Isang 16-anyos na lalaki ang patay matapos malunod sa isang resort sa Calasiao, Pangasinan.


Ang biktima ay nakilalang si Francis Quilala, graduate ng Calasiao National High School, ng nasabing bayan.


Si Quilala ay isa sa top 10 students, Best in English, Journalism of the Year at Computer Wizard of the Year.


Ayon sa kanyang ama, ang biktima ay first honor mula preparatory hanggang high school.


Sa imbestigasyon ng pulisya, pinayagan umano ng ama ang biktima na sumama sa outing kasama ang kanyang mga kaklase sa isang resort sa nasabing bayan.


Hindi napansin ng mga kaklase na pumunta umano si Francis sa malalim na parte ng swimming pool.


Hindi na umabot ng buhay ang biktima sa ospital.


The post High school graduate nalunod sa Pangasinan, patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



High school graduate nalunod sa Pangasinan, patay


No comments:

Post a Comment