IT seems that feisty Gretchen Barretto has finally made peace with her family or they are on their way to settling their differences.
Nang tanungin kasi siya ng mga reporters sa launching ng kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco ay naging makahulugan ang kanyang sagot.
“We have moved on and it’s been a year. Things change and people change.. Enough is enough. We have been very positive,” aniya, hinting that the avenues for reconciliation with her parents and siblings – including Claudine Barretto – are still open.
Masaya si Gretchen para sa dalaga nila ni Tony Boy Cojuangco, na kasama nina Addie Manzano at Sam Rodriguez bilang mga bagong Bench endorsers. Si Addie ay anak ni Edu Manzano at si Sam naman ay anak ng yumaong aktor na si Miguel Rodriguez.
Pinapayagan lamang daw niyang lumabas sa mga commercial si Dominique pero hindi pa ito puwedeng mag-full time sa showbiz dahil kailangan niyang tapusin ang kurso niyang Fashion Designing sa London.
Kung natapos na raw nito ang kurso niya ay hahayaan na raw niya ito kung gusto ng anak na pumasok ng showbiz. Handa na nga kaya si Dominique na harapin ang mga intriga sa showbiz, kung sakali?
“You know, I always tell her, intrigues, problems or any situations will always be a part of life. Whether you’re rich or poor’ fat or thin, tall or short,” ani Gretchen.
Malaki na raw ang tiwala niya kay Dominique that she can handle situations in life with ease now that her daughter has turned 19-years old. Kung si Gretchen raw ang masusunod ay gusto niyang maging isang successful international designer si Dominique.
000
TINAWANAN lang ni Julia Barretto ang intrigang nagli-link sa kanya ang co-star niya sa teleseryeng Mira Bella na si Sam Concepcion, na recently ay kinumpronta ni Anne Curtis dahil diumano sa panloloko nito sa girlfriend at kapatid ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith.
“Si Sam, he’s like my kuya talaga’” pagka-klaro ni Julia. “Growing up, I always see him as my kuya. I don’t know, wala talaga. At saka kilala n’yo naman ako, trabaho muna.”
Oo nga naman. Ang alam natin, sila pa rin ng anak ni Senator Jinggoy na si Julian Estrada.
000
MAY mga texters tayo sa 09088107598 expressing their outrage sa mall show sa SM ng isang gurang na rapper na nagbibitaw diumano ng bad words in the course of performing his repertoire.
Nagtatanong sila kung bakit raw pinapayagan ng isang mall na pook-pasyalan ng buong pamilya ang malaswa raw na palabas ng gurang na rapper.
So funny raw ang rapper dahil feeling pogi pa ito sa kanyang SM mall show. Buong akala raw nila na medyo bata-bata pa ang rapper dahil may arrive naman ang kanyang promo posters. Diring-diri raw sila nang mapanood na ito dahil bukod sa gurang na ay ka-level pa nito sa hitsura si Mang Kanor sa Rated X na DVD.
Aside from that, dugyutin pa raw ito at mukhang hindi naliligo.
Well, I don’t know about that. May hit naman siyang isa pero walang kuwenta ang follow-up single niya. Ang alam ko lang ay may utang pa sa akin ang balatubang manager ng rapper na inirereklamo.
ooo
GUSTO raw ni Pampanga Governor Lilia Pineda na maging concert hub ang kanyang probinsya at masaya siya na unti-unti itong nagkakaroon ng katuparan with some high-profile celebrities choosing to stage their shows in the province.
Ang pinakahuli ay ang concert ng Red Hot Chili Peppers na talagang pinag-usapan hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa. Naghatid rin ito ng ng malaking revenue para sa Pampanga.
On another note, maging ang chief-of-staff niyang si Fritzie David-Dizon ay napapamangha sa ipinapakitang energy ni Gov. Baby sa trabaho at mas nauuna pa nga raw itong pumasok kaysa sa ibang empleyado ng kapitolyo. The indefatigable Lady Governor is now 63.
The post Gretchen Barreto hindi na dadaldal laban sa pamilya appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment