SA mga fans na sobrang nakaka-miss kay Richard Gutierrez, konting pag-aantay na lang at magiging visible na uli ang guwaping na actor na may hawak ng record na pinakamaraming rating na show sa GMA 7.
Yes, magmula sa Mulawin, Kamandag, Captain Barbel at huling teleserye na kasama ang real sweetheart na si Sarah Lahbati, lahat ng show ni Chard ay naging mga top-rater.
At good news, malaki na ang ibinawas ng timbang ni Richard kaya slim na uli ang binata ni Tita Annabelle Rama. At balita pa ni Bisaya ay nag-diet kasi ang anak kaya payat na uli.
“Bumalik na ang dati niyang katawan. May leeg na uli siya. Saka matagal siyang nagwo-work out ngayon,” say pa ni tita Annabelle na dahil sa sobrang excitement sa first Reality TV show nila ng buong pamilya na It Take Gutz to be a Gutierrez ay iisang channel na lang ang pinanonood ngayon at ‘yan ay ang sosyal na E! Channel.
Anyway, malaki ang pasasalamat nito dahil grabe ang suportang binibigay ng newtwork sa kanilang show na minu-minuto ay may plugging sila. Syempre bukod sa mister na si Eddie Gutierrrez, kasama ni Tita Anabelle ang mga guwapong kambal na sina Richard at Raymond, maganda at sexy daughter na si Ruffa Gutierrez at iba pang kids at mga apo.
At take note! noong mag-shoot sila ng ilang episodes sa Singapore ay pinagkaguluhan ang beauty ni tita Annabelle ng international press. Kaso mo, dahil natakot siyang mag-english, instead na siya ang magpa-interview ay ipinaubaya na lang niya ang lahat kay tito Eddie na sanay na sanay magsalita ng Ingles.
Samantala hindi pa nga naipalalabas ang kanilang show ay pinag-uusapan na ang season 2 ng reality TV show ng pamilya Gutierrez. Positive kasi ang review at malakas ang feedbacks ng programa. Kaya abangan ang kanilang Six-part season na ipalalabas na soon sa E! Channel na inyong mapanonood sa Skycable 57, Cignal Cable channel 25, Cablelink channel 33 at iba pang cable channels sa Pilipinas at ibang Asian countries.
Going back to Richard, malapit na palang ipalabas sa sinehan ang movie nila ni Lauren Young sa GMA Films na Overtime. At exciting ito para sa actor dahil ibang-iba ito sa role na mga nagampaman na niya before. Suportahan natin sila gyud!
CLAIRE DELA FUENTE BUSY MAN SA MGA NEGOSYO MAY CAREER PA RIN SA PAGKANTA
KUNG inaakala niyong iniwan na ni Claire dela Fuente ang pagkanta ay nagkakamali kayo.
Yes, busy man si Ms. Claire sa personal na pag-aasikaso ng sariling resto na Claire Dela Fuente Grill and Seafood na located sa Seaside sa Macapagal Avenue na may ilang branch sa MOA at iba pang place, nagagawa o naisisingit pa rin ng Viva artist ang tumanggap ng mga shows rito sa atin at paminsan-minsan sa abroad.
At dahil request talaga siya ng mga mahihilig maglaro sa Casino ay hindi rin nawawalan ng offer si Claire sa iba’t ibang branch ng Casino Filipino sa buong bansa.
Madalas ay sa Cebu siya nagpi-perform at lahat ng mga ginawa nitong show ay pawang successful. Sa international scene, ay kilala rin ang singer dahil pine-play pala sa ilang radio station sa Amerika during christmas season ang duet nila ni Michael Bolton ng The Christmas Song.
Matatandaang nakatrabaho rin ni Claire ang isa pang Icon sa Hollywood na si Richard Carpenter. So, papaano iiwan ni Claire ang music industry, eh, may mga interesado pa rin sa kanya? Saka in na in ang beauty niya sa bagong field na pinasok ang humawak ng mga artista. At in fairness, successful rin siya sa larangan ito dahil pare-parehong may name na ang mga alagang sina Sam Pinto, Meg Imperial at Yam Concepcion.
The post Dahil slim na naman, Richard Gutierrez katakam-takam na uli ang katawan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment