Tuesday, April 8, 2014

Corona suko na sa paghahabol sa retirement benefits sa SC

BINAWI na ni dating Chief Justice Renato Corona ang kanyang apela sa Supreme Court na maibigay ang kanyang retirement benefits matapos napatalsik sa tungkulin.


Sa kanyang naging petisyon, iniatras ni Corona ang kahilingan.


Sa panayam sa dating punong mahistrado, sinabi nito na ang kanyang pag-atras ay upang hindi na maabala ang kaniyang mga dating kasamahan sa SC sa sandaling isalang na sa en banc session ang kanyang kahilingan.


Inaasahan naman ng dating punong mahistrado na maisama sa agenda ng SC en banc sa Baguio City ang kanyang isang pahinang petisyon.


Napag-alaman na naghain ng petisyon sa SC si Corona kung saan hiniling nito na mai-release ang kanyang retirement benefits kung saan iginiit nito na ang pagkakatanggal sa kanya sa puwesto ay politically motivated na malinaw na limitado lamang sa pagkakatanggal niya sa puwesto at walang kinalaman ang benepisyo na maaari niyang tanggapin bilang dating punong mahistrado.


The post Corona suko na sa paghahabol sa retirement benefits sa SC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Corona suko na sa paghahabol sa retirement benefits sa SC


No comments:

Post a Comment