Wednesday, April 2, 2014

COMELEC handa na sa new voters at biometric registration sa Mayo

NAGPAHAYAG ngayon ang Commission on Election (COMELEC) na handa na ang ahensya para sa pagsisimula ng nationwide new voters at biometric registration sa Mayo 6, 2014.


Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., umabot sa 9.6 milyon na Filipino ang hindi pa nakapagsumite ng kanilang biometric data.


Sinabi pa nito, magsasagawa ang poll body ng iba’t ibang programa para mahikayat ang mga mamamayan sa maagang pagpaparehistro para makaboto sa halalan 2016.


Dagdag pa niya, magpapatayo ang mga ito ng sattelite registration sa mga barangay para mapadali ang pagpaparehistro at pagboto lalo na ang mga nasa malayong lugar.


Kaugnay nito, inilunsad din nila COMELEC ang “Walkha Walkha Campaign” at pupunta sila sa mga probinsya mula sa Laoag hanggang Mindanao para ikampanya ang pagpaparehistro ng biometric data.


Napag-alaman na sa biometric data ay kukunin ang litrato, finger print at pirma ng mga botante para sa computerized system ng komisyon.


Maaalalang nagtungo ang mga opisyal ng COMELEC sa lungsod ng Baguio para sa summer session ng commission en banc.


The post COMELEC handa na sa new voters at biometric registration sa Mayo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



COMELEC handa na sa new voters at biometric registration sa Mayo


No comments:

Post a Comment