Thursday, May 1, 2014

17 patay sa HIV sa buwan ng Marso — DoH

NASA 17 katao na dinapuan ng human immunodeficiency virus (HIV) ang namatay sa ulat ng Department of Health (DoH) nitong buwan ng Marso lamang.


Ang naturang HIV deaths ay kabilang sa 498 bagong HIV cases na kanilang naitala nitong Marso.


Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, ito na ang pinakamataas na pagdami ng mga kaso ng HIV mula noong 1984.


Nabatid na kaparehong petsa noong 2013, ay 370 bagong kaso ng HIV lamang ang naitala ng DoH na mas mababa ng 35 porsyento.


Sa nasabing 498 bagong kaso, 53 ang naging full-blown AIDS cases, habang 17 naman ang kumpirmadong nasawi na ng nasabing buwan.


Nasa 443 kaso o 94% na bagong kaso ay nakuha sa pamamagitan ng sexual transmission, karamihan ay pagtatalik ng lalaki sa lalaki na nasa 381 kaso o 86 %.


Umabot naman sa 54 ang kinapitan ng sakit dahil sa paggamit ng iligal na droga habang ang isa ay nasalin mula sa ina.


Aabot naman sa 63 bagong kaso sa mga overseas Filipino workers (OFWs).


Kaugnay nito, aabot na sa 1,432 ang kabuuang bilang ng mga HIV cases na naitala sa unang tatlong buwan ng 2014.


Mula naman noong 1984, umakyat na sa 17,948 HIV cases ang naitala sa bansa, kasama ang 1,652 AIDS cases at 966 deaths.


The post 17 patay sa HIV sa buwan ng Marso — DoH appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



17 patay sa HIV sa buwan ng Marso — DoH


No comments:

Post a Comment