NAGTALA ng impresibong performance ang Philippine football team Azkals matapos talunin ang Nepal national football team, 3-0, sa Grand Hamad Stadium sa Qatar.
Ito rin ang unang panalo ng national team sa ilalim ng bagong head coach na si Thomas Dooley.
Magandang balita rin ang ipinakitang team effort lalo pa’t bumagsak sa rankings ang Pilipinas sa FIFA.
Unang naka-goal ang Azkals sa ika-14 minuto ng laro sa pamamagitan ni Curt Dizon at sinundan ng header ni Martin Steuble bago matapos ang first half.
Hindi pa rin natapos ang magandang nilaro ng Azkals na kung saan sa 90th minute, nakaiskor pa si Reuben Doctora.
Kung maalala, sa dalawang friendly games noong nakaraang buwan, natalo sila laban sa Azerbaijan, 1-0, habang scoreless draw naman sa pagitan ng Malaysia.
The post Azkals pinadapa ang Nepal, 3-0 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment