Thursday, April 10, 2014

After hiwalayan ni Enzo Pineda sa text, Louise Delos Reyes nagwala?

HOW true na nagwawala ngayon si Louise delos Reyes dahil sa hindi nito matanggap na for the second time around ay hiwalay na naman sila ng boyfriend na si Enzo Pineda.


At sabi, ang hindi raw talaga ma-take ng Kapuso young actress ay ‘yung pinagmukha siyang cheap ni Enzo na inisplitan lang siya sa pamamagitan ng text.


Saka sinira pa siya ng ex on national TV kung saan pinaratangan siyang namamangka sa dawalang ilog?


May third party raw talaga sa part ni Louise at nang malaman ito ni Enzo ay agad na inisplitan ang nobya.


Syempre hindi nga maganda ito para kay Louise na wholesome ang siyang pino-project na image sa publiko, tapos mapapagbintangang unfaithful na girlfriend.

At dahil sa mga naglalabasang negative write-ups sa kanya ay laman ang youngstar ng blind item na diumano kapag walang taping ay gumigimik ito at nakikipag-inuman pa raw sa kanyang mga friends?


Aba! Nagiging lasengga na pala ang babaeng starlet ni Dyesebel.


May chika pang hindi lang sa kanyang leading man sa teleserye na si Aljur Abrenica siya involved kundi inuugnay rin si Louise sa isa pang Kapuso hunk actor na si Alden Richards.


So nasa loob ang kulo gyud!


GRAND WINNER SA BARANGAY BAYANIHAN NG MARSO, PINAGKALOOBAN NG SPORTS EQUIPMENT NG EB


TIYAK na magbubunyi ang mga residente ng Brgy. Pinagtipunan sa General Trias, Cavite lalo na sa mga kalalakihan at kababaihan na mahilig sa sports.


Yes, dahil ang barangay nila na napiling Grand Winner sa Barangay Bayanihan para sa buwan ng Marso ay tumanggap ng Sports Equipment mula sa Eat Bulaga.

Personal na ibinigay nina Dabarkads Tito Sen at Joey de Leon sa Broadway Studio kina Kagawad Marciano Cruzat (representative ng barangay) at Gina Cosimo na residente ng lugar.


At narito ang mga premyong ipinagkaloob sa kanila ng Bulaga na halos kukumpleto na sa iba’t ibang laro tulad ng Mega Phone, Table Tennis, Raketa, Bola, Street Light Solar, ilang set ng bola para sa Volleyball at Basketball at Dart Board.


Ang nasabing barangay ang napiling winner ng EB Dabarkads dahil sila ang pumasa sa panlasa ng mga ito bilang pinakamalinis, maayos, tahimik kung saan nagkakaisa ang bawat mga residente rito.


The post After hiwalayan ni Enzo Pineda sa text, Louise Delos Reyes nagwala? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



After hiwalayan ni Enzo Pineda sa text, Louise Delos Reyes nagwala?


No comments:

Post a Comment