Sunday, April 6, 2014

2 kamag-anak ni Marcy Dayawan, nakakulong sa Malaysia

KINUMPIRMA ng awtoridad sa Sabah, Malaysia na nakakulong ang dalawa sa mga kamag-anak ni Marcy Dayawan, ang Pinay worker na dinukot sa isang floating resort sa Malaysia.


Ayon kay Sabah police commissioner Datuk Hamza Taib, apat katao ang hawak nilang nakakulong at dalawa dito ay iniuugnay kay Dayawan.


Una rito, nakipag-ugnayan na ang mga kidnapper sa pamilya ng turistang Chinese na dinukot sa Semporna resort sa Sabah, Malaysia.


Ito ang inihayag ni Mohammad Mentek, security command director-general ng eastern Sabah.


Kung maalala, Abril 2 nang dukutin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sina Gao Huayuan at Pinay resort worker na si Marcy Dayawan.


Ayon kay Mentek, nasa ligtas na kalagayan ang dalawang bihag.


Hindi idinetalye ni Mohammad kung may hinihinging ransom ang kidnappers sa pakikipag-usap sa pamilya ng Chinese.


Hinala ng ilang Filipino officials, konektado ang mga kidnapper sa Abu Sayyaf sub-commander na si Murphy Ambang Ladjia na sangkot naman sa pagdukot ng 21 indibidwal sa isang resort sa Sabah noong 2000.


The post 2 kamag-anak ni Marcy Dayawan, nakakulong sa Malaysia appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 kamag-anak ni Marcy Dayawan, nakakulong sa Malaysia


No comments:

Post a Comment