Monday, April 7, 2014

2 alipores ni PNoy lusot sa NABCOR issue

PINALUSOT ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang kaalyadong senador ni Pangulong Noynoy Aquino sa pagkakadawit sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.


Ito’y sa kabila ng naging pagtanggi ng Malakanyang na pinuprotektahan nito ang mga kaalyadong mambabatas na nagparaan ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Non-Government Organizations (NGOs) ni Janet Lim– Napoles.


Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, hindi nakasaad sa isinumite sa kanilang mga sinumpaang salaysay ng mga testigo sa naturang anomalya ang mga pangalan nila Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senador Lito Lapid na nagparaan ng kanilang pondo sa National Agri-Business Corporation (NABCOR) gamit ang mga pekeng Napoles NGOs.


Kasunod nito, binantaan ni De Lima sina opposition senators Jinggoy Estrada at Ramon Bong Revilla na posibleng kanselahin ang kanilang pasaporte kung hindi uuwi sa bansa.


Kapwa nasa labas ng bansa sina Estrada at Revilla para sa kanilang personal na biyahe sa Estados Unidos at Israel.


The post 2 alipores ni PNoy lusot sa NABCOR issue appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 alipores ni PNoy lusot sa NABCOR issue


No comments:

Post a Comment