UMAABOT sa 18 sundalo ang sugatan sa nagpapatuloy na engkuwentro sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tipo-Tipo, Basilan.
Ani Armed Forces of the Philippines (AFP)Spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, pasado alas-2:00 Biyernes ng madaling-araw nang maglunsad ng strike operations ang 4th Infantry Brigade at Joint Special Operations Unit 1 sa Barangay Silangkum.
Target sa operasyon ang grupo ni Puruji Indama.
Si Indama ang komander ng ASG na isinasangkot sa pagpugot sa ilang Marines noong 2007.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang bakbakan ng militar at Abu Sayyaf.
Samantala, nilinaw naman ni Zagala na wala silang nakikitang koneksyon ng engkwentro sa pagdukot ng ilang miyembro ng Abu Sayyaf sa isang Pinoy at Chinese mula sa Malaysia kamakailan.
Patuloy pa ring pinaghahanap ang mga ito.
The post 18 sundalo sugatan sa engkuwentro vs Abu Sayyaf appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment