Wednesday, March 4, 2015

NAKAHAHAWA

ANG dami nang nangyayari mula nang ma-launch ang pink jeepney.


May mga organisasyon ng mga jeepney driver ang nagpahayag ng kagustuhan na sumali rin sa programa.


Ang program ay tinawag na PINK – Para sa Interes ng Kababaihan, Kabataan at may Kapansanan.


Ang idea ay mabigyan ng priority ang mga sector na ito sa tuwing sasakay ng jeepney na may pinta na kulay pink.


Pagkatapos nga ng initial launch sa Makati ay dumayo na ang idea ng PINK sa iba’t ibang lugar sa bansa, tulad ng Cebu.


Mas agresibo ang plano ng Cebu sa pagbigay ng suporta sa nasabing programa. Hindi lang jeep, pwede rin na tricycle, o taxi, pwede rin na bus na pam-public transportation.


Ang intensyon ay makapagbigay ng malinaw na mensahe na sa mga lugar tulad ng sa Cebu nga ay prayoridad ang mga babae, matatanda at may kapansanan. Isa lang ang ibig-sabihin nito, nakahahawa ang paggawa ng kabutihan.


Ilang beses ko na itong napatunayan. Sa aking pagsisilbi bilang public official at noong ako ay konsehal pa ng QC, nakakita ako ng mga nakai-inspire na kwento ng kagandahang loob at dedikasyon sa Diyos at Bayan. At nakita ko kung paano na ang paggawa ng mabuti at pagsisilbi ng tapat ay nakahahawa naman talaga.


Kapag ang isang tao ay gumawa nang mabuti sa kapwa, at nalaman ito ng iba, tiyak gagayahin ng mga nakaalam ang ginawang mabuti ng kanilang kakilala.


Kapag ang isang organisasyon ay naglunsad ng isang programa na napatunayan na epektibo sa pagtulong sa mga nangangailangan, hindi lang pupurihin ang gawa kundi pwedeng gayahin dahil nakahahawa ang kabutihan.


Isa pang napatunayan ko ay mas madaling ikalat ang kwento ng kabutihan at ang epekto ay maganda para sa bansa sa kabuuan.


Kung ma-promote nang mabuti at malinaw ang intensyon ng isang programa ay mas marami ang sasali sa kilusan at mas marami ang gagaya.


Kaya iyong ang gagawin ko sa susunod na mga araw, ang ikwento para maging inspirasyon ang magandang program na PINK.


o0o

Mag-email lang ng iyong mga reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



NAKAHAHAWA


No comments:

Post a Comment